Friday, October 4, 2013

Taguan


Taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas - isang laro na kung saan ang mga manlalaro ay magtatago at ang taya ang siyang maghahanap.
Simple lang ang larong tagu-taguan para sa amin maganda itong laruin sa hapon lalo na pagdumidilim dahil mas maraming pwedeng pagtaguan at mas mahirap Makita ng “taya”. Mas gusto naming kung madami mga sampu hanggang labing lima. Ganito lang ang tagu-taguan pipili ng taya ang mga manlalaro at pipili din ng lugar ng pagbibilingan - ito ay maaring poste, haligi o puno . Gamit ang "maiba taya" o "maiba alis" upang malaman kung sino ang “taya.”
Magtatalaga ng ng numero na bibilangin ang mga manlalaro lagi naming ginagamit ang pagbilang ng limampu. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtalikod ng taya. Pupunta sa nakatalagang pagbibilangan ang taya at bibilang. Magtatago ang mga manlalaro at pagkatapos bumilang ay isa-isa ng hahanapin ng taya ang mga ito. Ang unang makikita ang siyang susunod na taya. Kailangan bantayan ng taya ang lugar na pinagbilangan kasi maari siyang maging taya ulit pagnaka-save ang ibang manlalaro. Ang "save" ay ang pagtapik ng mga kamay ng manlalaro sa lugar na pinagbilangan.
Masayang laruin ang tagu-taguan lalo na kung may mga lugar kanga lam na pwedeng pagtaguan na ikaw lang ang nakakaalam sa ganitong taktika siguradong hindi ka makikita ng taya pero mas maganda kung young lugar na pagtataguan mo ay malapit sa pinagbiilangan upang makapag “save”agad.

0 comments:

Post a Comment

 
;