Thursday, October 3, 2013

Luksong Tinik






Masayang laruin ang luksong tinik may mga batang ,magsisilbing tinik ang kanilang kamay at paa habang ang isang grupo ng bata ay tatalon sa “tinik. Madalas sa hapon ako nakikipaglaro sa aking mga kapitbahay isa na dito ang larong luksong tinik. Mas gusto naming ito laruin noong bata pa kami ang luksong tinik dahil isa ito sa mga panlalaking laro bukod sa tumbang preso, shato at luksong baka. Kung sino ang pinakamataas tumalon ay siya ang panalo kaya naman kapag pilian nang myembro ay talaga namang una unahan sa magaling tumalon. Kaya naman lagi akong nagsasanay tunmalon dahil ako ang gusting kasama ng aking mga kaibigan bukod sa mananalo kami lagi pa akong bida.
Sa larong luksong tinik hindi importante kung umaaraw o umuulan dahil pwede naman laruin ito sa loob ng bahay, sa aming magkakalaro ang importante ay kumpleto kami at kami ang magwawagi.

0 comments:

Post a Comment

 
;