Taguan ay isang popular na larong pambata sa Pilipinas -
isang laro na kung saan ang mga manlalaro ay magtatago at ang taya ang siyang
maghahanap.
Simple lang ang larong tagu-taguan para sa amin
maganda itong laruin sa hapon lalo na pagdumidilim dahil mas maraming pwedeng
pagtaguan at mas mahirap Makita ng “taya”. Mas gusto naming kung madami mga
sampu hanggang labing lima. Ganito lang ang tagu-taguan pipili ng taya ang mga manlalaro at pipili din ng lugar ng
pagbibilingan - ito ay maaring poste, haligi o puno . Gamit ang
"maiba
taya"
o "maiba alis" upang malaman kung sino ang
“taya.”
Magtatalaga ng ng numero na bibilangin ang mga manlalaro lagi naming
ginagamit ang pagbilang ng limampu. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagtalikod
ng taya. Pupunta sa nakatalagang pagbibilangan ang taya at bibilang. Magtatago
ang mga manlalaro at pagkatapos bumilang ay isa-isa ng hahanapin ng taya ang
mga ito. Ang unang makikita ang siyang susunod na taya. Kailangan bantayan ng
taya ang lugar na pinagbilangan kasi maari siyang maging taya ulit pagnaka-save
ang ibang manlalaro. Ang "save" ay ang pagtapik ng mga kamay ng
manlalaro sa lugar na pinagbilangan.
Masayang laruin ang tagu-taguan lalo na kung may mga lugar kanga
lam na pwedeng pagtaguan na ikaw lang ang nakakaalam sa ganitong taktika
siguradong hindi ka makikita ng taya pero mas maganda kung young lugar na
pagtataguan mo ay malapit sa pinagbiilangan upang makapag “save”agad.